Dapat ipagbawal ang pagpapalabas sa Pilipinas ng pelikulang Barbie.
Ito ang paniniwala ni Senador Francis Tolentino kasunod ng desisyon ng Vietnam na i-ban ang pelikula sa kanilang bansa bunsod ng isang scene na nagpapakita ng nine-dash line ng China.
Sa naturang eksena kinilala ang unilateral claim ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea.
Sinabi ni Tolentino na responsibilidad ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) na ipagbawal ang anumang palabas sa bansa na hindi kumikilala sa soberanya ng bansa.
Iginiit ng senador na ang nine-dash line na ipinakita sa pelikula ay salungat sa katotohanan at ipinawalang-bisa ang arbitral ruling noong 2016. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News