Ilalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong 2023, ang performance-based bonus (PBB) ng mga guro para sa taong 2021.
Ni-release na ng DBM ang special allotment release order at notice of cash allocation para sa Department of Education (DepEd).
Ito ay nagkakahalaga ng P950.94-M para sa 2021 PBB ng eligible school-based personnel ng DepEd-NCR.
Para naman sa mga nalalabi pang rehiyon, ibinalik na sa personnel division at Bureau of Human Resource and Organizational Development ang mga isinumiteng form 1.0 upang maisailalim na sa revalidation at revision, at upang mailabas na rin ang pondo para sa PBB ng mga guro.
Ipinatitiyak na rin ni Budget Sec. Amenah Pangandaman sa concerned bureaus at offices na wala nang magiging delay sa paglalabas ng PBB.
Iginiit pa ng DBM na tumitindig sila para sa mga guro at kinikilala nito ang kanilang hindi matatawarang trabaho. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News