Nananatili pa rin sa evacuation centers ang mahigit 18,000 katao sa harap ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa latest report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), kabuuang 5,365 pamilya o 18,752 indibidwal ang nananatili sa 28 evacuation centers sa Bicol region.
408 pamilya o 1,427 katao naman ang pansamantalang nanunuluyan sa mga kaanak at kaibigan.
Umabot na rin sa 10,652 pamilya o 41,517 katao ang apektado mula sa 26 na barangay.
Kaugnay dito, katuwang ang mga lokal na pamahalaan at non-government organizations ay nakapagbigay na ang DSWD ng P93.75-M na halaga ng humanitarian assistance.
May naka-antabay ding P2.47-B na quick response funds ang ahensya. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News