Naniniwala si Senador Grace Poe na biktima ng pang iiscam ang Pilipinas sa gitna ng inilabas na palpak na tourism promotion video.
Kaya naman pinatitiyak ng Chairperson ng Senate Committee on Public Services na hindi na mauulit ang kapalpakan ng Department of Tourism (DOT) sa kampanya nito para makahikayat ng dagdag turista sa bansa.
Iginiit ni Poe na hindi na dapat maulit ang pangyayari kahit sa ibang ahensya ng pamahalaan.
Ipinaalala ng senadora na ang government agencies ay pinagkakatiwalaan ng publiko.
Sinabi ni Poe na nakakadismayang malaman na kahit ang gobyerno ay nabibiktima ng mga pagkakamali ng marketing campaign na ang dapat sanang layunin ay maisulong ang unique character, natural beauty at cultural attractions sa Pilipinas. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News