dzme1530.ph

NTF-ELCAC, hihirit ng halos P9-B pondo para sa mga proyekto sa mga barangay sa 2024

Hihirit ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Department of Budget and Management (DBM) ng halos P9-B para pondohan ang kanilang Barangay Development Program (BDP) sa susunod na taon, kung saan 864 barangays ang target beneficiaries.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) assistant secretary Rene Valera na base sa huling pulong kasama ang NTF-ELCAC, ay naihanda na ang endorsement sa DBM para sa P10-M pondo para sa bawat barangay sa 2024.

Sa ilalim ng BDP, ang mga barangay na dating tinukoy bilang “Guerilla Fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP) at armed wing nito na New People’s Army (NPA) ay makatatanggap ng pondo para sa Sustainable Rehabilitation and Development Projects.

Inihayag ni Valera na ang panukalang P10-M kada barangay ay mas mababa kumpara sa halaga na kanilang inirekomenda sa mga nakalipas na taon upang hindi mapansin ng DBM.

Idinagdag ng opisyal na mula nang maitatag ang BDP ay mahigit limanlibong barangay na ang naging benepisyaryo ng kanilang mga programa. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author