Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng mas maiksing gamutan para sa tuberculosis (TB), kung saan nakikitang mas tatalima ang mga pasyente.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na nais nilang ipatupad ang apat na buwang gamutan sa TB ngayong ikatlong quarter ng 2023, mula sa karaniwang gamutan na tumatagal ng anim na buwan.
Aniya, inirekomenda ng World Health Organization (WHO) ang pag-adopt sa four-month treatment regimen para sa regular drug-susceptible tuberculosis.
Sa review of evidence ng WHO noong 2021, nakita na pareho lamang ang performance ng shorter drug-susceptible TB regimen kumpara sa kasalukuyang standard na gamutan, pagdating sa efficacy at safety. —sa panulat ni Lea Soriano