dzme1530.ph

PBBM, binigyang-diin ang kahalagahan ng PAF sa pagtatanggol ng territorial integrity at Philippine Maritime Zones

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng Philippine Air Force (PAF) sa pagtatanggol ng teritoryo at maritime zones ng bansa.

Ito ay kasabay ng pagbati ng pangulo para sa ika-76 na anibersaryo ng PAF.

Sa kanyang talumpati sa seremonya sa Clark Airbase sa Pampanga, inihayag ng Pangulo na ang maritime air patrol missions ng Philippine Air Force ay napakahalaga sa pagtataguyod ng territorial integrity, at pag-protekta sa Philippine Maritime Zones.

Sinabi pa ng Chief Executive na ang pagbabago ng ihip ng hangin ay naghuhudyat ng geopolitical challenges sa rehiyon at iba pang bahagi ng mundo, at makakaa-apekto pa lamang ito sa bansa.

Sa kabila nito, ipinagmamalaki pa rin ng commander-in-chief ang malayong distansyang inilipad ng air force upang matiyak ang seguridad at soberanya ng Pilipinas.

Nangako rin ang pangulo na nananatiling committed ang administrasyon sa pagpapalakas sa pwersa militar partikular sa PAF, sa pamamagitan ng AFP Modernization Program.

About The Author