Naniniwala ang isang political analyst na nagawang bigyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mas malinaw na direksyon ang foreign policy ng Pilipinas.
Ayon sa political science professor na si Dr. Froilan Calilung, kumpara kay Marcos ay iba ang naging galaw ng foreign policy noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinukoy ni Calilung ang pag-maniobra ng bansa pabalik sa panig ng Amerika na bahagi umano ng sariling direksyon ng polisiya ni Marcos.
Bukod dito, pinuri rin nito ang pananaig ng Rule of Law na mahalagang bagay umano kung nais ng bansang makahikayat ng foreign investors.
Mababatid na ilan sa internatioal issues na lubhang nakaa-apekto sa Pilipinas ay ang West Philippine Sea dispute at Russia-Ukraine crisis.
Samantala, binanggit din ni Calilung ang magandang relasyon ni Pangulong Marcos sa media. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News