Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na may iregularidad sa operasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos lumabas na may human rights violation sa nangyaring operasyon.
Ayon kay Public Information Office Chief P/Brigadier Gen. Red Maranan, lehitimo ang operasyon at sumunod sa protocol ang NCRPO.
Wala rin aniyang human rights ang nilabag at makikita ito sa imbestigasyon isinagawa ng PNP.
Dagdag pa ni Maranan na tukoy na ang nasa likod ng human trafficking pero sa ngayon ay hindi pa maaring isapubliko.
Samantala, hinigpitan naman ang seguridad sa pasilidad kung saan nananatili ang ni-rescue na POGO workers. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News