Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na kailangan pa rin ang prescription ng doktor para sa pagbili ng COVID-19 bivalent vaccine sakaling maging available na ito sa Pilipinas.
Ayon kay Jesusa Joyce Cirunay, director ng Center for Drug Regulation and Research, ang mga suplay ay ibebenta ng pharmaceutical giant na Pfizer, subalit ang presyo at timeline ng distribusyon ay hindi pa malalaman.
Babala ng FDA, ilang piling parmasya at ospital lamang ang papayagang magbenta ng bivalent vaccine kung kaya’t pinaiiwas nito ang publiko laban sa pagbili sa online o hindi otorisadong seller.
Ang mga pharmacy naman na magbebenta ng naturang bakuna ay kailangan na may cold storage facility, na siyang iinspeksyunin ng ahensya upang matiyak ang kaligtasan.
Bukod dito, ang mga lisensyadong healthcare worker lamang ang papayagang magturok ng bakuna.
Noong Lunes, Hunyo a-26 nang ilabas ng FDA ang Certificate of Product Registration (CPR) na may 5 years validity para sa bivalent vaccine ng Pfizer. —sa panulat ni Airiam Sancho