Labis ang pagtanggi ng Philippine National Police (PNP) sa akusasyon ng grupo ng mga Filipino-Chinese na taguan ng mga kriminal ang Pilipinas.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Redrico Maranan, kailanman ay hindi naging safe haven ng mga dayuhang sindikato ang bansa.
Naninidigan aniya ang PNP sa kanilang mandato na puksain ang mga nanggugulo sa kapayapaan at kaayusan gayundin ang mga sindikatong papasok sa bansa.
Pero para kay Teresita Ang See ng Movement for the Restoration of Peace and Order, taliwas ang sinasabi ng PNP sa mga ginagawa nito.
Katunayan aniya, sunod-sunod na kaso ng pagdukot sa mga Tsino na kanilang kababayan na kapwa nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Kalimitan sa mga nabibiktima ay nakararanas ng pagmamalupit habang ang iba’y pinuputulan pa ng daliri at tinatakot ang pamilya ng mga biktima para makahingi ng ransom. —sa ulat ni Jay de Castro, DZME News