dzme1530.ph

Umento sa suweldo sa NCR, posibleng makaapekto sa maliliit na negosyo

Nagpahayag ng pagkabahala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) para sa micro enterprises kung kakayanin nilang balikatin ang mas mataas na arawang minimum na suweldo sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr. na maraming nag-aabang na micro enterprises na posibleng hindi na tumuloy magbukas, mag-operate, o magdagdag ng staff dahil sa inaprubahang dagdag-sahod.

Hinimok naman ni Ortiz-Luis ang pamahalaan na tulungan ang micro businesses na maaapektuhan ng wage hike.

Inihayag ng ECOP president na 90% ng lahat ng negosyo sa Pilipinas ay micro, habang 8% ay small at ang medium ay less than 2%.

Kahapon ay inanunsyo ng Department of Labor and Employment na inaprubahan ng  Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa NCR ang P40 na umento sa arawang suweldo ng mga manggagawa sa non-agriculture at agriculture sector. —sa ulat ni Lea Soriano

About The Author