dzme1530.ph

Dagdag sahod sa mga manggagawa sa NCR, ‘di pa rin sapat!

Magandang development ang inaprubahang dagdag na sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasunod ng approval ng P40 na dagdag sahod.

Gayunman, sinabi ni Zubiri na hindi pa rin sapat ito kung pagbabatayan ang kasalukuyang gastusin ng mamamayan.

Iginiit ng senate leader na bagama’t mababa ngayon ang unemployment rate ay marami naman sa mamamayan ang miserable dahil sa kakarampot na sahod.

Ipinaliwanag ni Zubiri na kung madaragdagan pa ang sahod ng mga manggagawa ay magkakaroon ito ng positibong epekto sa ekonomiya dahil tataas din ang konsumo ng mamamayan.

Una nang naghain si Zubiri ng panukala para across the board P150 wage increase sa private sector sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Sa paghahain ng Senate Bill 2002, sinabi ni Zubiri na upang magkaroon ng disenteng buhay ang mamamayan ay kailangan nila ng disenteng sweldo. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author