dzme1530.ph

Kaso ng dengue sa bansa, pumalo na sa halos 60k

Pumalo na sa halos 60,000 ang bilang ng kaso ng dengue sa buong bansa ngayong taon.

Sa datos ng Department of Health (DOH) mula January 1 hanggang June 3, 2022, sumampa na sa 58,444 ang dengue cases sa bansa, mas mataas ng 17% kumpara sa 50,092 na naitala noong nakaraang taon.

Aabot naman sa 203 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit, mas mababa kumpara kaysa sa naitala ng ahensya noong 2022 na 244 deaths.

Karamihan ng dengue cases ay mula sa Metro Manila na nasa 7,410, sinundan ng Davao Region na may 6,051 cases at CALABARZON na nakapagtala ng 6,043 na kaso.

Patuloy ang panawagan ng kagawaran sa publiko na mag-ingat laban sa dengue at sundin ang 5-S dengue strategy o ang search and destroy; self-protect; seek consultation; support fogging; at sustain hydration. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author