dzme1530.ph

Hindi pagsama sa Bulkang Mayon sa branding campaign ng DOT, kinuwestiyon!

Kinuwestiyon ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang Department of Tourism (DOT) dahil sa hindi pagsama sa Bulkang Mayon sa kanilang branding campaign.

Ayon kay Salceda, binigo ng DOT ang mga taga-Albay na umaasang kumita sa turismo.

Hindi nagustuhan ng mambabatas ang desisyon ni Tourism Secretary Christina Frasco na alisin ang Mayon Volcano mula sa naturang campaign.

Lalo pang nadismaya si Salceda matapos siyang sagutin na huwag mag-alala dahil ang mayon ay represented sa official tourism logo at slogan na aniya ay hindi madaling makilala dahil isang pixel lamang ito.

Iginiit ni Salceda na ang mayon ay isang pambansang simbolo at isang pambansang kayamanan na nangangailangan ng mas magandang pagkilala. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author