Dapat mapatunayan ng gobyerno na hindi lamang hanggang magandang tourism campaign slogan ang kaya nitong gawin para makahikayat ng mas maraming turismo sa bansa.
Ito ang reaksyon ni Senador Grace Poe sa inilunsad na tourism campaign slogan ng administrasyon.
Sinabi ni Poe na maraming maaaring ialok ang Pilipinas upang maging world-class destination.
Kasabay nito, nilinaw ng senador na kinikilala niya ang pagsisikap ng DOT upang ma-inspire ang mga turista na bumisita sa iba’t ibang panig ng bansa at makita ang kagandahan ng bawat tanawin at ang kakaibang kultura ng Pilipinas.
Gayunman, ang magaganda anyang tourism slogans ay hindi naman dapat matabunan ng mga nakakahiyang karanasan ng mga turista sa kanilang mga biyahe.
Binigyang-diin ni Poe na kailangang tiyak ng administrasyon na maisaayos ang serbisyo sa mga paliparan na hindi lamang gateway ng bansa at sa halip ay ang magbibigay ng first and last impression sa turista hinggil sa Pilipinas. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News