Na-stranded sa Muzdalifah ang Filipino pilgrims sa Mecca, Saudi Arabia.
Sa pamamagitan ng Facebook live, inanunsyo ni Commissioner of the National Commission on Muslim Filipinos Yusoph Mando, na maraming Pinoy pilgrims ang naipit sa malalang traffic sa Muzdalifah bunsod ng pagdiriwang ng Eid Al Adha o Feast of Sacrifice.
Ayon sa Philippine Embassy sa Saudi, nanawagan na sila sa mga otoridad kasama ang Ministry of Hajj at Umrah, maging sa local ambulance services para tugunan ang insidente.
Nagtutulungan na rin aniya ang mga mga ahensiya ng Pilipinas sa Saudi para siguruhin ang kapakanan ng mga Filipino pilgrims doon.
Gayunman, nanawagan ang embahada sa mga Pinoy na manatiling kalmado at sundin na lamang ang instructions ng Saudi Hajj Authorities para sa kanilang kaligtasan. —sa panulat ni Jam Tarrayo