dzme1530.ph

Metro Manila, nakuha ang rank 136 sa Global Liveability Index for 2023

Bumaba ng apat ang ranking ng Metro Manila sa mga liveable cities sa buong mundo.

Sa Economist Intelligence Unit (EIU) Global Liveability Index for 2023, lumabas na nakuha ng Metro Manila ang 136th place sa 173 cities, o 60.9 out of 100 na iskor, mas mababa sa ranking noong nakaraang taon na nakuha ng siyudad ang pang-132 na pwesto sa iskor na 58.7.

Kabilang sa mga qualifications ng naturang pag-aaral ay ang stability, health care, culture and environment, education at infrastructure.

Sa stability category, bumulusok sa iskor na 55 mula sa 60 noong nakaraang taon; habang nanatili naman ang iskor ng health care sa 58.3 at infrastructure sa 64.3 points.

Para sa culture and environment, umakyat ang puntos na nakuha ng Metro Manila sa 63.9 points mula sa 53.5 noong 2022; piakamataas naman ang iskor na ibinigay sa education category sa 66.7 mula sa 58.3 last year.

Ang EIU Index ang tumutukoy sa kung saang lugar sa buong mundo ang makakapag-provide ng best o worst living condition sa mga residente nito. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author