Bahagyang bumaba ang satisfaction rate ng publiko sa administrasyong Marcos, base sa pinakahuling survey ng OCTA Research Group.
Sa resulta ng survey noong March 24 hanggang 28, lumabas na 72% ng mga respondent ang na-satisfy sa performance ng gobyerno, mababa kumpara noong October 2022 na 76%.
Nangangahulugan ito na tumaas ng 5% hanggang 8% ang hindi satisfied habang ang undecided naman ay nanatili sa 19% hanggang 20%.
Bumaba rin ang nakuhang satisfaction rating ng administrasyon sa Visayas, 83% mula sa 89%; Mindanao, 67% mula sa 79% at Metro Manila, 51% mula sa 63%.
Habang bahagya namang tumaas sa Balance Luzon na pumalo sa 77% mula sa 73%. —sa panulat ni Jam Tarrayo