dzme1530.ph

National Natural Resource Geospatial Database, ibinida ng DENR kay PBBM

Iprinisenta ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang itinatag na National Natural Resource Geospatial Database.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Palace Press Briefer Daphne Oseña-Paez na gagamitin ito para sa mapping o pagtukoy sa mga lugar na kinakailangan ng reforestation, watershed management, at maging ang mining policies.

Sinabi naman ni DENR Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga na iminungkahi sa pangulo ang pag-manage ng natural resources sa pamamagitan ng physical baseline at satellite imagery.

Inihalimbawa ng kalihim ang pagtukoy sa river basins natin, at lawak ng kagubatan sa bansa.

Ipinagmalaki naman ng DENR chief na naitatag nila ang bagong tanggapan nang hindi nangangailangan ng karagdagang budget. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author