Pasado kay Albay Cong. Joey Salceda ang reappointment ni Sec. Carlito Galvez bilang Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity.
Ayon kay Salceda, timing ang pagkakatalaga ni PBBM kay Galvez sa OPAPRU dahil panahon ngayon ng paghahanda para sa 2024 National Budget.
Bukod pa diyan, habang ang Pangulo ay nakatuon ang pansin sa pag-address sa “external threats,” si Galvez naman ang naka-toka sa ‘internal peace” na crucial para maibuhos ang resources ng pamahalaan sa modernization ng national defense capabilities, sa halip na gastusin sa pakikipag-giyera sa rebeldeng grupo.
Maging ang United Nations ay kinilala rin umano ang mahalagang papel na ginampanan ni Galvez sa matagumpay na peace talk ng Philippine government sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Dahil diyan nanawagan si Salceda sa mga kasamahang mambabatas sa Commission on Appointments na agad kumpirmahin ang appointment ni Galvez kasabay ng budget hearings. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News