Target ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng kabuuang 470 kilometers na bike lanes sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong taon.
Ayon sa DOTr, ang bike lanes ay ilalagay sa Regions 1, 3, National Capital Region, 4A, 5, 6, 7, 8, at 11.
Ang kabuuang budget para sa bike lane project ay mahigit P932.820-M.
Inihayag ng ahensya na nagsagawa na ng ground breaking para sa naturang proyekto sa San Fernando, Pampanga.
Sa pagtaya ng DOTr, nasa 332,000 na mga residente at active transport users ang inaasahang makikinabang sa bike lane project. —sa panulat ni Lea Soriano