dzme1530.ph

Fishing ban sa ilang bayan sa Oriental Mindoro, tinanggal na!

Inalis na rin ang fishing ban sa mga bayan ng Naujan at Pinamalayan sa Oriental Mindoro simula kahapon, June 26.

Ayon kay Governor Humerlito Dolor, mahigit isang linggo makalipas ang isinagawang siphoning ng langis sa MT Princess Empress noong Hunyo a-16 ay natitiyak na wala ng natitirang langis sa tanker.

Una nang tinanggal ang naturang ban sa mga bayan ng San Teodoro, Baco, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao matapos maapektuhan ng oil spill.

Samantala, nananatili pa rin ang fishing ban sa karagatan ng bayan ng Pola habang isinasagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang water testing. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author