Inaresto ng mga otoridad ang nasa 50 miyembro ng LGBTQIA+ community na lumahok sa taunang Pride March sa Istanbul.
Ayon sa event organizers, una nang hinarang ng mga pulis ang mga nagma-martsa sa Istiklal Avenue maging sa Central Taksim Square.
Sinuspinde rin ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa lugar.
Kung kaya’t napagdesisyon ng komunidad na magsagawa na lamang ng pagtitipon hawak ang rainbow at transgender flags sa Mistik Park sa Sisli District.
Ngunit hinuli pa rin aniya sila ng mga pulis at ikinasugat sa ulo ng isang indibidwal.
Nabatid na nagbaba ng mandato si Turkey President Tayyip Erdogan at kanyang Islamist-Rooted AK Party na mas higpitan ng pamahalaan ang kalayaan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa nasabing bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo