dzme1530.ph

Pilipinas, umutang ng $1.14-B sa World Bank para sa economic recovery, climate resilience, edukasyon, at agrikultura!

Umutang ang Pilipinas ng $1.14-B o P63.5-B sa World Bank.

Lumagda sina Finance Sec. Benjamin Diokno at World Bank Country Director Ndiamé Diop sa apat na loan agreements, na gagamitin sa mga inisyatibo ng goyerno sa pagpapabilis ng pagbangon ng ekonomiya, pagpapalakas ng climate resilience, pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, at pag-develop sa agrikultura at fisheries sector.

$276-M ang gagamitin sa mga proyekto ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources partikular ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project, at Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FISHCORE) Project.

$110-M ang ilalaan sa teacher effectiveness and competencies enhancement project ng Department of Education, o ang pagtataguyod ng pantay na access sa dekalidad na edukasyon sa kindergarten hanggang Grade 6 sa Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

$750-M naman ang magiging budgetary support sa Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan para sa pangangalaga sa kapaligiran at climate resilience. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author