dzme1530.ph

183 PDL mula sa iba’t ibang penal farm palalayain ng BuCor ngayong araw

Aabot sa 183 person deprived of liberty (PDL) ang nakatakdang palayain ng Bureau of Correction (BuCor) ngayong umaga mula sa iba’t ibang penal farm sa bansa.

Ayon sa BuCor Public information office may kabuuang 423 PDL ang napalaya ng bureau mula June 1, 2023.

Napagsilbihan ng mga napalayang PDL ang kanilang sintensiya sa loob ng NBP habang ang iba naman dito ay nabigyan ng parole.

Samantala nasa 500 namang PDL kabilang ang nasa Correctional institute for Women ang ililipat sa Iwahig, ngayong araw.

Isasakay sila ng barko sa North Harbor papuntang Iwahig sa Palawan.

Kasama din sa ililipat sa Iwahig ang nasa higit 100 mga bagong BuCor guards kabilang ang ilang dumaan sa retraining matapos silang ma-relieve noong mga nagdaang buwan sa NBP.

Ayon kay Bucor Chief Director General Gregorio Catapang Jr., maari nang mamuhay ng tahimik at payapa ang mga PDL na ililipat sa Iwahig, maari silang magsaka dahil malawak lupa doon at maari din silang mag-alaga ng mga hayop. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author