Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang commitment ng kanyang administrasyon sa pangangalaga ng kapaligiran.
Sa talumpati sa ika-160 anibersaryo ng Philippine Forestry Service, inihayag ng pangulo na dapat bigyan ng awareness o kaalaman ang publiko sa kahalagahan ng environmental preservation, upang matugunan ang mga problemang dulot ng climate change at mismanaged o maling paggamit ng resources.
Binigyang diin ng pangulo na ang proteksyon at rehabilitasyon ng biodiversity ay magiging mahalaga sa paghuhulma sa tadhana ng bansa.
Dahil naman umano sa hindi pakikinig ng publiko kaya’t nagkaroon ng global warming at climate change.
Kaugnay dito, tinitiyak na committed ang administrasyon sa pagtataguyod ng environmental integrity at sustainability para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.
Nanawagan din ito sa DENR at iba pang ahensya, at maging sa pribadong sektor at sa publiko na magtulungan sa pangangalaga at sa maayos na paggamit ng limitadong resources ng bansa. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News