dzme1530.ph

Mahigit 100k katao, nakisaya sa Pride Festival sa Quezon City

Mahigit sa 100,000 ang dumalo sa Pride Festival ngayong taon na bahagi ng Pride month celebration sa Quezon City.

Ayon sa local government unit, kabuuang 110,752 ang nakisaya at nakiisa sa mga miyembo ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, and Asexual (LGBTQIA+) community.

Bilang bahagi ng month-long celebration, inanunsyo ng pamahalaang lungsod ang paglulunsad ng programang “right to care card,” kung saan pinapayagan ang LGBTQ+ couples na gumawa ng medical decisions kada taon para sa isa’t isa , gaya ng iba na nasa ilalim ng civil marriage contract.

Pinapayagan na rin ng “right to care card” ang LGBTQ+ couples na isama ang kanilang partners bilang beneficiary sa kanilang insurance contracts. —sa panulat ni Lea Soriano 

About The Author