Inilabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order No. 31 na mag-iinstitutionalize sa Open Government Partnership (OGP).
Ito ay magpapalakas sa pagtutulungan ng gobyerno at civil society groups sa pagtugon sa mga isyu ng lipunan.
Sa ilalim ng kautusan, itatatag ang PHOGP Steering Committee o ang multi-stakeholder forum na magsisilbing policy at decision-making body para sa OGP.
Pamumunuan ito ng kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), habang magiging miyembro nito ang executive secretary at mga kalihim ng NEDA, DILG, DSWD, at apat na government sector representatives.
Magiging parte rin nito ang National President ng Union of Local Authorities of the Philippines, at 10 kinatawan mula sa civil society organizations.
Maaari rin itong mag-imbita ng mga kinatawan mula sa legislative at judicial branches.
Samantala, bubuuin din ang National Action Plan na magtataguyod ng transparency, accountability, at citizen participation. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News