Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng tatlong ruta para sa operators ng mga bus at modern jeeps upang tulungan ang mga commuter na maaapektuhan ng pagsasara ng ilang istasyon ng Philippine National Railways (PNR).
Ang pagsasara ay para bigyang daan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railways (NSCR).
Ayon sa LTFRB, ang tatlong ruta ay kinabibilangan ng FTI-Divisoria via East Service Road at Alabang (Starmall); at Divisoria via South Luzon Expressway, para sa public utility buses; at Malabon-Divisoria na seserbisyuhan naman ng modern jeepneys.
Inisyal na naglaan ang ahensya ng 30 pub units para sa rutang FTI-Divisoria; 25 pubs para sa Alabang (Starmall)-Divisoria; at limang modern jeeps para sa Malabon-Divisoria. —sa panulat ni Lea Soriano