Umakyat na sa P73.9-M ang halaga ng assistance na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga komunidad na apektado ng patuloy na pag-a-alboroto ng Bulkang Mayon.
Sa update ng National Disaster Risk Reduction ang Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga tulong ibinigay ng gobyerno ay distilled water, mga damit, hygiene kits, tents at shelter materials, family food packs, sleeping kits, at fuel.
Sa kasalukuyan ay 10,171 families o 39,057 individuals mula sa 26 na barangay sa Bicol region ang apektado ng nag-aalborotong bulkan sa Albay.
Nasa 5,466 families o 18,999 individuals naman ang pansamantalang nanunuluyan sa 28 evacuation centers habang ang iba ay nakikitira muna sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan. —sa panulat ni Lea Soriano