dzme1530.ph

Temporary license sa nursing graduates, tinutulan ng PNA

Pinalagan ng Philippine Nurses Association (PNA) ang planong pagbibigay ng temporary license sa mga hindi lisensyadong nurse para makapagtrabahi sa mga pampublikong pagamutan.

Ayon kay PNA President Melvin Miranda, isa sa posibleng maging problema nito ay ang accountability ng registered nurses

Aniya kung ang isang nurse ay recognized as licensed, mataas ang kanyang level of confidence at competence sa kanyang ginagawang trabaho na maaaring wala sa mga hindi lisensyado.

Dagdag pa ni Miranda, nakababahala ang ganitong sitwasyon kung kaya’t kailangan muna ng masusing pag-aaral bago ipatupad. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author