Opisyal nang inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tatlong Coin Deposit Machines (CODM) sa ilang partner retailer, na layong hikayatin ang publiko na i-deposito ang mga hindi nagagamit o naka-imbak na barya.
Kabilang sa proyekto ang SM Mall of Asia sa Pasay City, Robinsons Place Ermita sa Maynila, at Festival Supermall sa Muntinlupa City.
Ayon sa Central Bank, maaaring ilagak sa CODMs ang lahat ng denomination ng barya, maging ang bagong henerasyon nito na inilabas noong 2018, mula centavo hanggang 20 pesos.
Makikita ang mga idinepositong barya sa electronic wallet gaya ng Gcash, habang kasalukuyan pang nakikipag-ugnayan ang BSP sa pamunuan ng maya upang maging bahagi ng proyekto.
Samantala, nakatakdang maglunsad ang Central Bank ng anim pang Coin Deposit Machine sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila sa mga susunod na araw. —sa panulat ni Airiam Sancho