dzme1530.ph

Maharlika Investment Fund Bill, handa na para sa lagda ni SP Zubiri

Kinumpirma ni Senador JV Ejercito na handa na para sa lagda ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang kopya ng Maharlika Investment Fund Bill na ita-transmit sa Malakanyang para lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Ejercito natapos na ang pagsasaayos at paglilinis ng pinal na bersyon ng MIF bill bagama’t hindi nito maipaliwanag kung paano nabigyang solusyon ang magkaibang prescriptive period sa sections 50 at 51 nito.

Gayunman, dahil nasa Estados Unidos si Zubiri, isa sa opsyon na ikinukunsidera ay dalhin mismo sa senate leader ang kopya ng bill para ito ay agad malagdaan.

Tiwala rin ang mambabatas na wala namang epekto sa tunay na diwa ng batas ang ginawang paglilinis ng secretariat at hindi ito magiging kwestyon ng ligalidad.

Sinabi pa ni Ejercito na maipagmamalaki nila ang inaprubahan ilang panukala dahil ito ay puno ng safeguards at safety nets na hindi magagamit sa kalokohan ang pondo para sa Maharlika Investment Fund. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author