Nagpulong na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Asian Development Bank (ADB) kaugnay ng nalalapit na pilot implementation ng Food Stamp Program.
Sa meeting nina DSWD Sec. Rex Gatchalian at ADB Country Director Pavit Ramachandran, tinalakay ang intervention at financing modality na bahagi ng designing stage ng programa bago ito ipatupad.
Ipina-alala naman ni Gatchalian sa ADB ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyaking magpapatuloy pa rin ang Food Stamp Program pagkatapos ng pilot run.
Sisiguruhin din ng DSWD na may mapagkukunan pa ng pondo kapag naging matagumpay ang pilot run.
Ang ADB ay magkakaloob ng $3-M para sa anim na buwang pilot run ng programa mula Hulyo hanggang Disyembre.
Sa ilalim nito, bibigyan ng tap cards na may lamang P3,000 ang mahihirap na benepisyaryo para ipambili ng mga piling pangunahing pagkain sa DSWD Accredited Local Retailers. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News