dzme1530.ph

Relief donations ng China para sa Mayon evacuees, nakarating na sa Albay

Dumating na sa Albay ang relief items na donasyon ng China para sa mga naapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Itinurnover ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamahalaang panlalawigan ng Albay ang walong truck ng relief goods.

Naglalaman ito ng daan-daang sako ng bigas, at mga kahon ng noodles at biskwit.

Nagpasalamat si Albay Gov. Grex Lagman kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., DSWD Sec. Rex Gatchalian, at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para sa donasyon na malaking tulong umano para sa mga residente.

Matatandaang una nang nagpasalamat si Pangulong Marcos sa China para sa kanilang donasyon na nagkakahalaga ng kabuuang P4-M. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author