Lumobo ang mga subsidiya na ipinagkaloob sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) noong Abril, batay sa datos ng Bureau of Treasury (BOT).
Ayon sa BTr, umakyat ng 75% ang budgetary support sa GOCCs sa P8.958-B noong Abril kumpara sa P5.117-B na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mababa naman ito ng 17% kumpara sa P10.785-B na ipinagkaloob na mga subsidiya noong Marso.
Ang National Irrigation Administration ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya noong Abril na nasa P3.878-B o 43.29% ng kabuuang subsidies para sa naturang buwan.
Sumunod ang National Food Authority, P2.017-B; National Housing Authority, P836-M; Sugar Regulatory Administration, P429-M; at Philippine Rice Research Institute, P321-M. —sa panulat ni Lea Soriano