dzme1530.ph

COMELEC, sinukuan ang planong i-automate ang BSKE dahil sa laki ng magagastos

Binitawan ng COMELEC ang planong i-automate ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil P40-B ang tinatayang magagastos dito.

Sinabi ni COMELEC Chairman Geore Garcia na may plano talaga silang i-automate ang BSKE, subalit nakadepende palagi ito sa kongreso na siyang magbibigay ng budget sa poll body.

Ipinaliwanag ni Garcia na patuloy din na tataas ang kakailanganing budget para sa fully automated regular election dahil lumulobo rin ang bilang ng mga botante.

Sa nakalipas na 2022 elections, mayroong 605,000 public school teachers, 201,000 voting precints, 67.4 million voters at 98,000 vote-counting machines.

Idinagdag ni Garcia na noon aniya ay ipinanukala nila ang budget na P23 –B para bumili o umupa ng vote-counting machines, subalit P13-B lamang ang inaprubahan sa kanila ng kongreso. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author