Halos 9,000 sea lions, penguins, otters at maliliit na sea cetaceans ang nasawi sa North Coast ng Chile.
Ayon sa South American Fisheries Service, base sa kanilang isinagawang imbestigasyon, lumabas na Avian flu ang ikinamatay ng mga ito.
Nakasaad sa datos na simula January 2023 ay pumalo na sa 7,600 sea lions at halos 1,200 penguins na nabubuhay lamang sa Chile at Peru ang natatagpuan na lamang na walang buhay sa mga dalampasigan.
Kalat na ang naturang sakit sa 12 rehiyon sa Chile kung kaya’t in-activate na ang “surveillance protocols” sa mga tabing dagat kabilang na ang pagsunog sa mga apektadong hayop para maiwasan ang paglaganap ng virus. —sa panulat ni Jam Tarrayo