Karagdagang 97 person deprived of liberty (PDL) ang nakatakdang palayain ng Bureau of Correction (BuCor) mula sa iba’t ibang prison and penal farm sa bansa.
Itoy matapos aprubahan ni Justice Secretary Crispin Remulla ang rekomendasyon ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagpapalaya sa mga bilanggo na nakapagsilbe ng 40 taon sa loob ng bilangguan na may time allowance.
Una rito 47 PDL ang makalalaya mula sa New Bilibid Prison,
23 mula sa Wahig Prison and Penal Farm,
12 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm,
6 mula sa Davao Prison and Penal Farm,
5 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm, at 4 mula sa Correctional Institution for women.
Nabatid base sa listahan ng BuCor ang mga PDL ay nasentensiyahan ng Reclusion Perpetua o Life Imprisonment, ngunit meron silang time allowance kung saan lumampas na anya sa kanilang maximum sentence batay sa probisyon ng Revised Penal Code (RPC) on time allowance.
Pinagtibay ng DOJ at Bucor ang Department Order 652 na nagrerebisa sa mga tuntunin at pamamaraan sa pagpapalaya ng mga PDL na naglalayong ma-decongest ang mga pasilidad ng mga bilangguan sa bansa.