![]()
Nagpahayag ng matibay na suporta ang mga kongresista mula sa Metro Manila at Mindanao para kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Ayon sa opisina ng Speaker, 30 Metro Manila lawmakers at 67 miyembro ng Mindanao bloc ang lumagda sa magkahiwalay na manifesto ng suporta, kung saan kinilala nila ang umano’y principled leadership, mahinahong pamamalakad, at pagpupursige ni Dy na itulak ang mga repormang panlegislatura.
Pinangunahan ng Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez ang Mindanao bloc sa paglagda sa naturang pahayag.
Bago ito, naglabas na rin ng manifesto of support ang 39-member Northern Luzon Alliance, sa pangunguna ni House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, kasama sina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Paolo Ortega.
Sa manifesto ng Metro Manila bloc, sinabi ng mga mambabatas na hinarap ng Kamara ang mabigat na public perception issue nang maupo si Dy, lalo na sa gitna ng usapin sa flood control projects. Gayunman, iginiit nilang nanatiling matatag at mahinahon ang liderato ng Speaker at nakapagbigay ng pagkakaisa sa Kamara.
