dzme1530.ph

95% ng rice retailers, sumusunod sa price caps

Ibinida ng Department of Agriculture (DA) na karamihan sa mga rice retailer ay tumatalima sa mandato ng pamahalaan na P41 at P45 per kilo na price ceiling sa regular at well-milled rice.

Sinabi ni DA Deputy Spokesperson Wiann Angsiy na hanggang kahapon ay nasa 95% ang success rate ng ipinatutupad na price caps sa bigas.

Inihayag ni Angsiy na bagaman mayroong mga umaalma dahil sa pangambang pagkalugi ay patuloy pa rin ang ahensya sa pagpapaliwanag na mahalagang sumunod ang mga rice retailer sa atas ng gobyerno.

Tiniyak din ng opisyal na makatatanggap ng cash aid mula sa pamahalaan ang mga rice retailer na tumatalima sa ipinatutupad na price ceiling. –sa panulat ni Lea Soriano

About The Author