dzme1530.ph

9 PDL, sugatan sa rambulan sa loob ng maximum security compound

Nasa siyam na person deprived of liberty (PDL) ang sugatan matapos mamaril ang isang PDL sa loob ng quadrant 3 ng Maximum security compound pasado alas-9:00 kagabi.

Bago nito, nagkaroon muna ng away ang dalawang PDL na miyembro ng Bahala at Batang City Jail sa quadrant 3.

Nakisimpatya daw sa away ng dalawa ang isa pang PDL at nagpaputok ng baril.

Agad na dinala sa ospital ang mga sugatang PDL habang na-recover naman ang 45 kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril.

Ni-relieve na rin ang duty officer habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa ngayon naka red alert na ang Bureau of Correction matapos sumiklab ang gulo kagabi sa maximum security compound. –sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author