dzme1530.ph

9 na tauhan ng BOC sa NAIA sinibak dahil sa extortion

Loading

Sinibak ng Bureau of Customs ang siyam na tauhan nito na sangkot umano sa insidente ng pangongotong sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ipinatutupad ng ahensya ang zero tolerance policy laban sa katiwalian.

Inimbestigahan na ang insidente ng Customs Intelligence and Investigation Service.

Bilang tugon, nagpatupad ng bagong polisiya ang BOC na nag-aatas na lahat ng pormal na reklamo ay iulat sa loob ng 24 oras sa tanggapan ng Komisyoner, at isumite ang paunang findings sa loob ng 48 oras. Ang hindi susunod ay papatawan ng kaukulang parusa.

Giit ng BOC, patuloy ang ahensya sa pagpapatibay ng internal controls at pagsulong ng reporma.

About The Author