dzme1530.ph

9 na lugar sa bansa, makararanas ng “danger level” na heat index ngayong Martes

Loading

Siyam na lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger level” na heat index o damang init, ngayong Martes.

Sa bulletin ng Pagasa, aabot sa 44°C ang heat index sa Virac, Catanduanes habang 43°C sa Sangley Point sa Cavite City.

Posible namang umabot sa 42°C ang damang init sa Dagupan City, Pangasinan; Cubi Pt. Subic Bay, Olongapo City; San Jose, Occidental Mindoro; Cuyo, Palawan; Roxas City, Capiz; Iloilo City; at Dumangas, Iloilo.

Sa Metro Manila, tinaya sa 41°C ang mararanasang heat index sa NAIA Pasay City habang 38°C sa Science Garden sa Quezon City.

 

 

About The Author