Makararanas ng mapanganib na heat index o damang-init ang siyam na lugar sa bansa ngayong araw.
Sa forecast ng PAGASA, posibleng maramdaman ang pinakamainit na heat index na aabot hanggang 45°C sa Dagupan City, Pangasinan.
44°C naman sa Aparri, Cagayan; Laoag City, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Cagayan; Puerto Princesa at Aborlan sa Palawan; Masbate, Masbate; Central Bicol State University (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur; habang 42°C sa Catarman, Northern Samar.
Ang heat index na mula sa 42 hanggang 51°C ay mapanganib at posibleng maging dahilan ng heat-related illnesses gaya ng stroke, cramps, exhaustion o fatigue, pagkahilo, pagkakaroon ng mahina subalit mabilis na tibok ng pulso, at pagsusuka.