dzme1530.ph

9 na kasunduan, nilagdaan ng Pilipinas at Qatar

Lumagda ang Pilipinas at Qatar sa kabuuang siyam na kasunduan kasabay ng state visit sa bansa ni Qatari Amir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani.

Matapos ang bilateral meeting sa Malacañang ng Qatari leader at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., iprinisenta ang memorandum of understanding para sa kooperasyon sa paglaban sa human trafficking.

Sinelyuhan din ang MOUs sa pagitan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Davao City Chamber of Commerce, at Qatar Chamber of Commerce and Industry.

Kasama rin ang MOUs sa larangan ng turismo at business events, mutual recognition ng seafarers certificate, at technical cooperation at capacity building sa Climate change.

Samantala, nilagdaan din ang MOUs sa larangan ng sports at kabataan.

About The Author