dzme1530.ph

9 na Filipino crew ng barkong kinumpiska ng Iranian Navy, nakauwi na sa bansa

Nakauwi na sa bansa ang siyam na Filipino crew members ng oil tanker na St. Nikolas, na kinumpiska ng Iranian Navy sa Gulf of Oman noong Enero.

Ayon sa isa sa mga tripulanteng pinoy na dumating sa bansa kahapon, maayos naman ang naging pakikitungo sa kanila ng mga Iranian, at hindi sila nakaranas ng pangha-harass.

Inihayag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawa pang Pinoy seafarers ang inaasahang darating ngayong linggo habang ang natitirang anim na iba pa ay naghihintay pa ng kanilang mga kapalit bago makauwi ng Pilipinas.

Paglilinaw ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega, hindi naman maituturing na hostage ang mga Filipino seafarer dahil kusang loob silang nagpaiwan sa barko matapos doblehin ang kanilang suweldo.

About The Author