Isinusulong ni Pamplona Mayor Janice Degamo at walo pang alkalde ang pagpapaliban sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Negros Oriental, sa dahilang kailangan munang resolbahin ang peace and order concerns sa lalawigan.
Ginawa ng mga alkalde mula sa Negros Oriental ang pahayag, kasabay ng paghimok sa COMELEC na i-delay ng isang buwan ang BSKE mula sa schedule nito na October 30.
Kabilang sa tinukoy na dahilan ni Degamo ay kaguluhan sa lalawigan, kabilang na ang pagpaslang sa kanyang mister na si Negros Governor Roel Degamo at sa pagmasaker sa siyam na iba pa.
Idinagdag ng alkalde na marami pang pagpatay at pananakot ang nangyari at karamihan sa mga salarin at nakalalaya pa rin, at nananatili ring intact ang political machinery ng umano’y mastermind, na nagdudulot ng takot sa mga komunidad.
Makatutulong aniya ang postponement sa law enforcement agencies na mag-focus sa pagpapalakas ng security measures, at magbibigay din ito ng karagdagang panahon sa national government at sa COMELEC na i-reassess at pagtibayin ang security protocols. —sa panulat ni Lea Soriano