dzme1530.ph

9 mula sa 23 na excluded passengers, sa sahig ng NAIA natutulog

Animo’y mga squatter ang mga excluded passengers na nakahiga lamang sa sahig na sinapinan ng karton sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ilan lamang sila sa hindi pinapayagan ng Bureau of Immigration na makapasok sa bansa dahil sa kanilang mga kinakaharap na kaso sa kanilang bansa.

Kabilang na dito ang mga registered sex offender, blacklisted, at mga nakatimbre na sa Interpol.

Ayon sa isang reliable source, nakaalis na kaninang 06:00 ng umaga ang 9 na excluded passengers na pawang mga New Guinean national sakay ng flight PX-011.

Hiwalay naman nailipad ang isang Congolese national na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti, na mabuti na lamang ay naawat ng security.

Nabatid na March 8 pa dumating sa NAIA T1 ang nasabing dayuhan at na exclude dahil sa ibang kadahilanan. Sa ngayon, hinintay pa ang Oman martial nito na mag-a assist sa kanya pabalik sa kanilang bansa.

Sa ngayon may natitira pang 9 excluded passengers na nanatili sa NAIA habang hinihintay ang kanilang flight at maaprubahan ng immigration pabalik sa kanilang bansa.

Pinagiisipan na ng pamunuan ng MIAA na mabigyan ng disenteng matutuluyan ang mga excluded passengers.

About The Author